Repleksyon
Base sa aking nabasang kwento tungkol sa Carrot, Itlog at Butil ng Kape. Ito ay masasalamin natin sa buhay ng isang tao, sapagkat naniniwala ako na walang ibinigay ang diyos na pagsubok na hindi natin kayang lampasan. Kung sinasabi ng anak na hindi makatarungan ang kanyang tinatamasang buhay sa bukid, ito siguro ay dahil sa kakulangan niya ng tiwala at pananampalataya na lahat ng iyon ay planado ng diyos. Kaya't masasabi ko na isang mabuting tao ang kanyang Ama dahil gaya ng aking Ama ay hindi siya nagkulang sa pagpapa alaala sa amin sa kung ano ang tama at mali.
Nang ihalintulad ng ama ang carrot sa kahinaan ng isang tao na kung saan ay sa una lamang matigas o malakas at tila di matitinag, ito ay nagpapakita ng kaduwagan sa buhay dahil siguro sa mas gusto nila na hindi nahihirapan. Ngunit kung akoy papipiliin mas gugustuhin kong maranasan ang naghihirap, dahil gaya ng sinasabi ng matatanda na mas masarap matuto mula sa iyong sariling pagkakamali, dahil sa iyong pagkakamaling nagawa dito mas lalong lumalawak ang ating mga karanasan o kaalaman sa buhay. Kaya bilang mamamayan, dapat kahit gaano kalaki o kahirap ang mga pagsubok na dumating sa ating buhay ito ay handa nating harapin at panindigan ng walang takot. Gaya ng kanyang Ama na hindi nagpatinag sa kumukulong tubig o sa napaka lalaking problemang dumarating sa kanyang buhay.
Sinasabi ng Ama na ang itlog ay may maputi at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob, ngunit ng ito ay mapakuluan ay tumigas ang nasa loob ng itlog. Masasabi kong ang ugali ng mga tao sa panahon ngayon ay parang itlog, halimbawa na lamang nito ay isang magandang babae, sinasabihan nila ng Ang ganda mo! Ang sexy mo! ngunit dahil sa karamihan sa kanila ay makikitid ang utak mas pinahahalagahan lamang nilang ang panlabas nitong itsura at hindi ang tunay na ugali. Sa panahong ito walang kasiguraduhan kung sino ang dapat at hindi dapat nating kaibigan. Pero kung may nag iisa man, ito ay ang sarili nating kadugo.
Ang huli ay ang butil ng kape na kung saan ay ito ang pinili ng kanyang anak dahil sa nagkaroon ng kulay at bumango ang kumukulong tubig. Masasabi kong ang butil ng kape ay parang aking pag aaral, dahil habang nag aaral ako ng mabuti ay mas lalong lumalawak o nadaragdagan ang aking mga kaalaman ng hindi yumayabang o nang iinsulto ng ibang tao. Parang butil ng kape, kapag hinaluan mo ng kumukulong tubig ay mas lalo pang nagpapatingkad at nagpapabango sa malungkot nitong kulay. Ang aking kaalaman ang siyang nagpapatingkad sa aking sarili at nagpapatapang sa akin sa pagharap sa panibagong bukas. Katulad ng sinasabi ng karamihan sa atin na "habang may buhay may pag asa" dapat wag tayong sumuko dahil naniniwala ako na laging may plano ang diyos para sa atin.
No comments:
Post a Comment