Buod
Sa isang bukirin ay may mag amang magsasaka na kung saan ang ikinabubuhay lamang nila ay ang pagbubungkal ng lupa. Isang araw, narining ng Ama ang kanyang anak na nagdadabog at sinasabi ang kanyang mga hirap at pagod na tinatamasa sa pagsasaka at pagbubungkal ng lupa sa bukid, sinabi ng anak na hindi tama ang kanyang hirap na pinagdadaanan, kaya't nang marining ng ama ang kanyang anak ay dagli niya itong pinapunta sa kusina. Ipinakita ng ama sa kanyang anak ang tatlong palayok na may lamang tubig, nang ito ay kumukulo na ay inilagay ng ama ang carrot, sumunod ay ang itlog at sa pangatlo ay ang butil ng kape. Pagkatapos ay tinanong niya ang kanyang anak kung anong maaaring mangyare sa carrot, itlog at butil ng kape? Sinabi ng anak sa kanyang ama na ito'y maluluto, nang makaraan ang dalawampung minuto ay tinagtag ng ama ang baga upang ipakita sa kanyang anak kung ano ang naging itsura ng carrot, itlog, at butil ng kape, nang lumapit ang anak ay sinabi ng ama na damhin nito ang nasa loob ng palayok, habang tinitingnan ng anak ang laman ng palayok ay tinanong ng kanyang ama kung ano ang napansin sa loob nito. Sinabi niya na lumambot ang carrot, pagkatapos ay pinakuha naman ang itlog at ipinahati sa kanya, isa pa sa napansin ng anak ay matigas ang itlog dahil siguro sa pagkakalaga ng matagal at ang pangatlo ay ipinainom ng ama sa kanyang anak ang inilagang butil ng kape at doon nga ipinaliwanag ng ama sa kanyang anak kung ano ang pagkakaiba ng mga bagay dito sa mundo. Inihalintulad ng Ama ang carrot sa kahinaan ng isang tao, masasabing ang carrot ay matigas ngunit kapag nainitan ay lumalambot. Ang sunod niyang inihalintulad ay ang itlog, sinabi ng ama na sa kabila ng likidong nasa loob nito ay naging matigas matapos mapakuluan at ang panghuli ay ang butil ng kape na isinangkap sa kumukulong tubig na kung saan ito ang nagpatingkad at nagpabango sa kumukulong tubig. Muling tinanong ng ama ang kanyang anak kung alin ang pipiliin sa tatlo, Hanggang sa sumagot ang anak na inihahalintulad niya ang kanyang sarili sa butil ng kape dahil sa ang butil ng kape ang nagpapatingkad at nagpapabango sa kumukulong tubig na kagaya ng kanyang Ama.
No comments:
Post a Comment